Pag-iral ng liquor ban sa Navotas City binawi na
Binawi na ng ang pag-iral ng liquor ban sa Navotas City.
Sa bisa ng City Ordinance No. 2021-07, sinabi ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na lifted na ang pag-iral ng liquor ban o pagbabawal sa pagbili o pagbenta ng alak o inuming nakalalasing sa ating lungsod epektibo ngayong araw, February 1.
Ito ay dahil naging manageable na aniya o hindi masyadong tataas ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Sinabi ni Tiangco na bagaman tumaas ng bahagya ang mga kaso, kaya pa rin po itong makontrol.
Samantala, mananatili namang bawal ang pag-inom ng alak sa mga pampublikong lugar tulad ng daan, eskinita, liwasan, at labas ng tindahan na sumasakop sa pampublikong daan o bangketa. (D. Cargullo)