Pag-imprenta sa mga balota na gagamitin sa automated elections sinimulan na
Sinimulan na ng Commission on Elections (Comelec) ang pag-imprenta ng mga balota na gagamitin para sa automated elections sa 2022 National and Local Elections.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, inumpisahan ang pag-imprenta sa mga balota sa National Printing Office (NPO) alas 11:27 ng umaga ng Linggo, January 23, 2022.
Ang unang mga balota na inimprenta ay ay gagamitin para sa Bangsamoro Region o BARMM.
Kabilang sa unang inimprenta ang para sa Lanao del Sur aabot na mangangailangan ng 685,643 ballots.
Ang kabuuang bilang ng mga balota na kailangang iimprenta para sa BARMM ay 2,588,193 ani Jimenez. (DDC)