Pag-atake umano sa restaurant ng Brgy. Captain sa Brgy. Muzon, SJDM tinawag na “fake news” ng mga netizen

Pag-atake umano sa restaurant ng Brgy. Captain sa Brgy. Muzon, SJDM tinawag na “fake news” ng mga netizen

Umani ng batikos at pag-kwestyon mula sa mga netizen ang pahayag ng kapitan ng barangay sa Brgy. Muzon, San Jose del Monte, Bulacan tungkol sa umano ay pag-atake sa kaniyang restaurant.

Batay sa kaniyang pahayag, sinabi ni Barangay Captain Marciano Gatchalian ng Bgy. Muzon na may mga kalalakihan na armado ng baril at lulan ng van ang pinagbabato ang kaniyang Lucky 13 restaurant dahilan para mabasag ang mga salamin.

Pero duda dito ang mga residente at tinawag nilang “fake news” ang pahayag ng kapita.

“Bakit hindi binaril kung totoo na may dala pala baril? Hindi kaya galit lang sau at sa pamumuno dahil sa hindi patas na desisyon kaya nag amok?” ayon sa netizen na si Aviva Ortiz.

Ayon naman sa netizen na si Jay Aguilar “fake news yan walang katotohanan” na sinegundahan din ng isa pang netizen na si Louie Delos Santos – “parang fake news naman.”

Umapela naman si Pepper Nicolas Bialba, na ilabas ang kuha ng CCTV para matukoy kung talagang totoo ang nangyari.

Nagtataka din ang netizen na si Charina Baliat Santos kung paanong nalaman na may dalang baril ang salarin. “Kaya nga pero sabi may dalang baril pano nila nasabing may dalang baril ??? may dala palang baril bakit nag effort psng mambato ???? Patawa kayo and added, “Baka sya lang may pakana niyan para magamit nila yung nakulimbat nila,” ani Baliat.

May mga netizen ding nag-komento na nagpapahayag ng pagkadismaya sa pamamahagi ng “ayuda” sa Barangay Muzon.

“Kaya pinagbabato, dahil sa kupitan sa Ayuda?” tanong ni Therese Yan.

Ayon naman kay Ruby Macaya: “Kinupitan ang ayuda, kaya pinagbabato.”

“Wow naman talaga ba? Malamang Issue sa ayuda kaya pinagbabato? Hays Kupitan,” sinabi ni Jian Alvarez.

Sa video naman na ibinahagi ni Gatchalian sa Facebook page ng Barangay Muzon, ipinakita ang mga sira-sirang bahagi ng restaurant na dahil umano sa ginawang pambabato dito.

Si Kapitan Gatchalian na isang dating pulis at maging ang buong Brgy. Muzon ay una nang umanki ng batikos matapos ang kawani nito na si Pez Raymundo ay nag-viral dahil sa isyu ng “lugaw”.

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *