PACC malapit nang matapos ang mga hawak nilang kaso

PACC malapit nang matapos ang mga hawak nilang kaso

Maituturing na ‘zero backlog’ na ang mga kasong hawak ng Presidential Anti Corruption Commission o PACC.

Sinabi ni PACC Commissioner Greco Belgica, noong nakaraang December 2020, mahigit sa 9,000 mga kasong administratibo at kriminal ang naisampa sa kanilang tanggapan.

Sa ngayon sinabi ni Belgica, natapos na nila ang 9,000 na naisampa na sa Office of the Ombudsman at iba’t ibang korte.

Mayroon namang 200 kaso na lamang ang natitira na kanilang ipinoproseso pa sa ngayon.

Aminado si Belgica na mahirap labanan ang korapsiyon na aniya ay lalong lalala ngayon dahil sa nalalapit na halalan.

Sinabi rin niya na kung dati ay mga kalaban lamang o kritiko ang sangkot sa korapsiyon ngayon aniya maging ang mga kaalyado ay nasasangkot na sa katiwalian.

Pangunahin na aniya rito ay ang illegal drugs na pinagkakakaperahan ng mga pulitiko na gustong manatili sa puwesto.

Si Belgica ay naging panauhing pandangal sa ginanap na flag raising ceremony ngayong umaga sa MPD Headquarters at nanguna rin sa paglulunsad ng urban farming sa Smokey Tondo, Manila katuwang ang Manila police.

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *