“Paano maiiwasan ang labis-labis nilang paglalaro ng gadgets?” – WIFEMOMJOURNO

“Paano maiiwasan ang labis-labis nilang paglalaro ng gadgets?” – WIFEMOMJOURNO

Ngayong blended learning ang umiiral sa pag-aaral ng ating mga bagets, babad na sila sa screen habang nag-aaral lalo na ang mga batang mayroong online classes araw-araw.

Mas lalong dapat nating bawasan ang kanilang oras sa paghawak at paglalaro ng gadgets.

Pero sa panahon ngayon, parang ang hirap na iiwas sila sa gadgets. Para kasing bahagi na ito ng araw-araw nilang paglalaro.

Minsan pati ang mga batang 1 year old pa lang marunong nang humawak ng tablet o cellphone.

Pero kung gugustuhin natin mga mommy, kayang-kaya natin silang limitahan sa paglalaro ng gadgets.

Kailangan lang nating magtakda ng limitasyon at tiyakin nating ipatutupad natin ito.

No gadgets for 3 years old below
– As much as possible, iwasan nating pahawakin ng gadgets ang mga edad 3 years old pababa para hindi nila makasanayan. Huwag nating gawing pang-libang sa kanila ang gadgets. Madami namang alternatibong laruan na pwede nating ipagamit sa kanila.

Set limitations sa paggamit ng gadgets
– Sa mga anak nating edad 3 pataas, mag-set tayo ng limitasyon kung kailan at ilang oras lang sila pwedeng maglaro ng cellphone at tablet. Pwedeng every weekend lang sila mag-gadget dahil walang pasok. Huwag ding hayaang maghapon ng Sabado at Linggo ay nakababad sila sa gadgets. Magtakda lamang ng oras. Dito sa bahay, mayroon silang 4 hours para mag-cellphone kapag Sabado at Linggo. Pero hindi pwedeng dire-diretso nilang gamitin ang 4 na oras. Gadget ng isang oras, tapos pahinga, isang oras ulit, pahinga, haggang sa ma-consume nila ang 4hours.

Start them young
– Kalimutan na natin yung kasabihang “bata ‘yan eh, ibigay ang gusto” or “bata ‘yan eh, hindi pa niya alam”. Huwag nating i-underestimate ang mga anak natin. Mula edad 1 yr old pwede nang disiplinahin at maiintindihan ka na nila. Pwede mo nang ipaliwanag sa kanila kung bakit hindi pa sila pwedeng mag-hawak ng gadgets.

Introduce them to outdoor games
– Samahan natin silang maglaro sa labas. Tuwing umaga o tuwing hapon, sama-sama kayong maglaro sa labas. Iba pa rin ang outdoor games, makatutulong ito para sa kanilang kalusugan. Ngayong mayroong pandemya at bawal lumabas ang mga bata, kahit sa bakuran niyo lamang o sa harapan ng bahay.

Introduce them to board games
– Marami namang board games na pang-pamilya na talagang kagigiliwan din ng mga bata. Samahan natin silang maglaro.

Very challenging para sa ating mga mommy at daddy ang pandemic na ito. Hindi kasi natin mailabas at maipasyal ang mga bata. So let’s see to it na mayroon tayong mga aktibidad sa bahay na maari nilang mapaglibangan.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *