PAALALA SA PUBLIKO: Mandatory na pagsusuot ng face shield sa lahat ng pampublikong transportasyon, simula na bukas

PAALALA SA PUBLIKO: Mandatory na pagsusuot ng face shield sa lahat ng pampublikong transportasyon, simula na bukas

Simula bukas, ika-15 ng Agosto, 2020, lahat ng pasahero ng pampublikong transportasyon ay kailangan nang magsuot ng face shield, bukod pa sa face mask.

Batay ito sa kauutusan na nakapaloob sa Department of Transportation (DOTr) Memorandum Circular 2020-014 na inilabas noong 03 Agosto 2020.

Ang nasabing kautusan na nilagdaan ni Transportation Secretary Arthur Tugade ay sumasaklaw sa lahat ng uri ng public transportation sa apat na sektor–ang Aviation and Airports, Railways, Maritime, at Road Transport.

Ang mandatory na paggamit ng face shield ay naglalayon ng karagdagan at kinakailangan mas mabisang proteksyon para sa mga pasahero, upang mas mabawasan ang panganib na pagkahawa at pagkalat ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *