P80K na halaga ng frozen at processed meat nakumpiska sa Allen Port sa Northern Samar

P80K na halaga ng frozen at processed meat nakumpiska sa Allen Port sa Northern Samar

Nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Animal Industry Region 8 (BAI) at ng Provincial Veterinary Office (PVO) ng Northern Samar ang 347 packs ng frozen at processed assorted meat sa Allen Port.

Sa ikinasang quarantine checkpoint sa BALWHARTECO Port, Barangay Looc, Allen, Northern Samar, isang pribadong sasakyan ang nakitang puno ng 12 kahon na naglalaman ng processed meat na nagkakalahaga ng P80,000.

240 kilograms sa mga nakumpiskang kargamento ay galing sa National Capital Region na lulan ng van na isinakay sa roll-on, roll-off (RoRo) vessel at dadalhin dapat sa iba’t ibang lugar sa Region VIII.

Karamihan sa kargamento ay pork products at walang naipakitang dokumento o permit sa pagbiyahe ng mga ito.

Ayon kay Ailet P. Bautista, Livestock Inspector II ng Bureau of Animal Industry Region 8 kailangan ng karampatang dokumento at permit kapag nagbibiyahe ng meat products o live animals.

Maliban dito, noong Enero ay nagpalabas si Northern Samar Governor Edwin Ongchuan ng temporary ban sa pagpasok ng live hogs at pork products mula sa ibang lalawigan bilang pag-iingat sa African swine fever (ASF). (Dona Dominguez-Cargullo)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *