P7M halaga ng Ukay-ukay nakumpiska ng Customs

P7M halaga ng Ukay-ukay nakumpiska ng Customs

Aabot sa P7 milyon halaga ng misdeclared na mga damit o Ukay-ukay ang nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Manila (POM).

Nagpalabas ng alert order si District Collector Michael Angelo Vargas sa pakikipag-ugnayan sa BOC Intelligence Group, kaugnay sa mga kargamento na naka-consigne sa MGGF INTERNATIONAL TRADING CORP.

Dumating sa bansa ang mga kargamento sa kasagsagan ng Christmas Holidays na pawang galing ng China at idineklarang tissue.
Sa isinagawang pagsusuri, natuklasang naglalaman ito ng mga used cloth na ang halaga ay aabot sa P7.853 Million.

Kinumpiska ang mga kargamento dahil sa paglabag sa Section 1400 in relation to Section 1113 ng RA 10863 o Customs Modernization and Tarrif Act (CMTA). (D. Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *