P60M na halaga ng smuggled na sigarilyo nakumpiska ng BOC sa MICP

P60M na halaga ng smuggled na sigarilyo nakumpiska ng BOC sa MICP

Tinatayang P60 milyong halaga ng smuggled na mga sigarilyo ang nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Manila International Container Port (MICP).

Ayon sa Customs, ang mga nakumpiskang sigarilyo ay dadalhin sana sa Philippine Economic Zone Authority (PEZA) Zone sa Cavite.

Galing ng China ang kargamento at naka-consign sa YJC International Corporation.

Idineklara ang kargamento na naglalaman ng mga plastic frames, round tubes, plastic bags, at plastic sheets.

Gayunman, nang ito ay isalang sa physical examination nadiskubre na naglalaman ito ng 1,599 na pakete ng sigarilyo.

Kaugnay nito ay nagpalabas na ng warrant of seizure and detention laban sa kargamento dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act. (D. Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *