P6.9M na halaga ng shabu nakumpiska sa Cavite
Nakumpiska ng mga otoridad sa ikinasang anti-illegal drug operation sa Imus City, Cavite ang aabot sa P6.9 million na halaga ng shabu.
Ang operasyon ay ikinasa ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 3, Pampanga Police Provincial Office, PDEA IV-A, RSET 2, Clark Inter-Agency Drug Interdiction Task Group, PDEA Cavite Provincial Office, BOC Port of Clark, Imus City Police Station at Aviation Security Unit 3.
Kinilala ni PNP chief, Gen. Dionardo Carlos ang naarestong suspek na si Razel John Manuel, 22 anyos.
Ang isa pang suspek na si Louis Diaz ay nagawang makatakas.
Nagsasagawa na ng follow up operations ang mga otoridad sa para maaresto si Diaz. (DDC)