P5M na halaga ng tulong ni Willie Revillame sa mga driver ng jeep naipamahagi na
Ipinamahagi ni Willie Revillame, ang ipinangakong P5,000,000 na donasyon para sa mga drayber ng Public Utility Jeepney (PUJ) ngayong araw, ika-19 ng Agosto 2020, sa Central Office ng LTFRB.
Sa kabuuan, nasa 3,211 na drayber ang makikinabang sa ayuda na galing sa TV Host at may kaakibat ding sako-sakong bigas.
Matatandaan na noong ika-7 ng Agosto ay nagsabi ang TV Host na magbibigay ito ng 5 milyon na tulong sa mga drayber. Upang mapabilis ang proseso, nagkaroon ng koordinasyon ang team ni Mr. Revillame at ang LTFRB NCR office, sa pamumuno ni Regional Director Atty. Zona Russet Tamayo,
upang matipon ang mga presidente ng mga kooperatiba sa opisina ng LTFRB ngayong araw para tanggapin ang kanilang donasyon.
Nangako naman ang mga presidente, tulad ni Ka Obet Martin ng Pasang Masda na tumanggap ng P1,459,500 at 606 na sako ng bigas para sa kanyang kooperatiba, na makararating ang donasyon sa kanilang 973 na miyembro.
Ayon kay Willie, muli siyang mamimigay ng P5,000,000 sa susunod na buwan para naman sa panibagong batch ng mga drayber. Nagpasalamat din ang TV Host sa LTFRB sa naging maayos na sistema ng pamamahagi.
Ika pa ni Revillame, ang pagtulong na ito para sa mga PUJ drivers ay mula sa kanyang sariling ipon at ibinabagi nya sa iba dahil alam din nya kung pano ang mahirapan. “Bago bayan, mga kababayan muna.” dagdag pa ng TV Host.
#LTFRB
#WillieRevillame
#willtowin