P57M na halaga ng giant clam shells nakumpiska sa Palawan

P57M na halaga ng giant clam shells nakumpiska sa Palawan

Nakumpiska ng mga otoridad ang tinatayang P57 milyon halaga ng giant clam shell sa isang a residential lot na pag-aari ni Jonjie Moreño sa Purok Bonbon, Barangay Panacan, Narra, Palawan.

Ayon sa PCG, umabot sa 16,467 na piraso ng of giant clam shells na nakatago sa loob ng tent sa lugar ni Moreño ang nakumpiska.

Magkakatuwang sa operasyon ang mga tauhan ng Naval Intelligence Security Group (NISG), Intelligence Operation 2nd Special Operations Unit – Maritime Group (SOU – MG), Philippine Coast Guard at Bantay Dagat Palawan Task Force.

Ayon kay Moreño, caretaker lamang siya o naatasang magbantay sa mga giant clam shells na pag-aari ng isang Rolando Eleazar.

Dinala ang mga shell sa Palawan Council for Sustainable Development (PCSD).

Sasailalim naman sa imbestigasyon si Eleazar kaugnay sa ilegal na pag-kulekta ng giant clam shells na paglabag sa Republic Act No. 9147 or the Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

Ang giant clams ay itinuturing nang ‘endangered species’ sa bansa.

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *