P37.9M halaga ng pekeng coppermasks nakumpiska ng NBI
Nakumpiska ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga pekeng coppermask na ibinebenta sa Maynila at Pasay City.
Ayon kay NBI Officer-in-Charge (OIC)- Director Eric B. Distor, sinalakay ng mga tauhan ng NBI-National Capital Region (NBI-NCR) warehouse ng pekeng coppermask sa Biñan, Laguna at sa mga tindahan sa Pasay at Maynila.
Ito ay makaraang magreklamo ang JC Premiere Business International, at hiniling na maimbestigahan ang paglaganap ng pekeng coppermask products sa merkado.
Bitbit ang pitong Search Warrants na inilabas ng Manila RTC Branch 46 Manila sinalakay ang mga tindahan sa Binondo, at Pasay City, at warehouse sa Biñan at doon nakumpiska ang mga pekeng coppermask.
Aabot sa 37,956,680 ang kabuuang halaga ng mga nakumpiskang coppermask.
Ang mga nasa likod ng pamemeke ay maaring maharap sa kasong paglabag sa trademark Infringement sa ilalim ng R.A. 8293.