P1B na pondo inilaan ng Taguig City LGU para sa libreng bakuna kontra COVID-19

P1B na pondo inilaan ng Taguig City LGU para sa libreng bakuna kontra COVID-19

Naglaan ang Taguig City Government ng P13.5B “recovery budget” kung saan kabilang ang P1 billion para sa bakuna kontra COVID-19.

Ito ay upang masigurong libreng mababakunahan kontra COVID-19 ang mga residente ng lungsod.

“As early as September, we have already started planning for vaccination, it will complement our other ongoing anti-COVID programs like our aggressive mass testing and treatment,” ayon kay Taguig Mayor Lino Cayetano.

Nais ding matiyak ng alkalde na magpapatuloy ang kanilang programa sa COVID-19 testing para sa taong 20021.

Ang Taguig ay mayroong libreng COVID-19 testing sa 30 health centers at dalawang drive-through sites.

Tuloy din ang operasyon ng sariling molecular laboratory at disease surveillance units ng lungsod.

“We are working closely with the Joint Task Force and the Department of Health for the allotment of vaccine for Taguig but also already talking to suppliers for our own procurement once we are given the green light. We are also set to launch our model vaccine stations and out citizens ID this January. Both are important components of vaccine rollout plan,” ayon pa sa alkalde.

Tiniyal ni Mayor Lino na maagang naghanda ang lokal na pamahalaan para sa lahat ng COVID contingencies.

Ang Taguig ang may pinakamababang bilang ng active cases ng COVID-19 sa buong Metro Manila. (D. Cargullo)

 

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *