P1B na pondo inilaan ng QC Govt. para sa COVID-19 vaccine sa lungsod
Inihahanda na ng Quezon City government ang pagbili ng 750,000 doses ng COVID-19 vaccine.
Ayon kay Quezon City Joy Belmote, gagawing prayoridad sa pagbabakuna ang 10,000 health workers sa lungsod, 300,000 senior citizens, 20,000 adult persons woth disabilities, at iba pang priority sectors.
“We are ready to purchase. After implementing our test, isolate, and treat strategy, vaccination is our game plan now. This free vaccination program will definitely complete our efforts against this deadly virus,” ayon Belmonte.
Una nang inanunsyo ni ni Belmonte na maglalaan ng P1 billion sa 2021 budget ng lungsod para ipambili ng bakuna at supplies.
Maari ding dagdagan pa ang budget ayon kay Belmonte.
“As soon as we have rolled out this vaccination program, we will definitely prepare for the next distribution and budget.” ayon sa alkalde.