P160M na halaga ng Giant Clam Shells nakumpiska ng Coast Guard sa Palawan

P160M na halaga ng Giant Clam Shells nakumpiska ng Coast Guard sa Palawan

Nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 324 na piraso ng Giant Clam Shells sa Roxas, Palawan.

May bigat itong 80 tons at tinatayang may market value na P160 million.

Ang operasyon ay isinagawa ng mga tauhan ng PCG, Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS), Marine Battalion Landing Team 3 (MBLT-3), at Bantay Dagat Roxas sa Barangay VI, Johnson Island, bayan ng Roxas.

Ang pagkuha ng mga endangered giant clams na kilala din sa tawag na ‘taklobo’ ay mahigpit na ipinagbabawal sa ilalim ng Republic Act No. 10654 o Philippine Fisheries Code of 1998.

Ang sinumang lalabag sa nasabing batas ay maaring mapatawan ng multang hanggang P3 million at pagkakabilanggo na hanggang walong taon.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *