P150K na halaga ng carnivorous plants nakumpiska ng BOC sa warehouse sa Pasay City

P150K na halaga ng carnivorous plants nakumpiska ng BOC sa warehouse sa Pasay City

Nakumpiska ng Bureau of Customs-NAIA (BOC-NAIA) at ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang 276 carnivorous plants na ilegal na ipinasok sa bansa.

Ang mga halaman ay nakumpiska sa Paircargo Warehouse sa Pasay City matapos isailalim sa 100% physical examination of ang sampung packages na galing sa Netherlands.

Sa isinagawang beripikasyon sa DENR natuklasan na ilegal na ipinasok sa bansa ang mga halaman nang walang Sanitary at Phytosanitary Import Clearance at CITES Permit mula sa DENR.

Ang mga halamang nakumpiska ay kinabibilangan ng Drosera, Nepenthes, Dionaea, Sarracenia, Pinguicula, at Cephalotus na tinatayang aabot sa P150,000 ang halaga.

Ang carnivorous plants ay idineklara nang critically endangered sa buong mundo at kabilang sa world’s rarest at most endangered plants.

Ang pagkulekta ng mga ganitong uri ng insect-eating plants ay labag sa Republic Act (RA) No. 9147 o Philippine Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *