P15 million na halaga ng shabu galing Malaysia nakumpiska ng Customs sa warehouse ng Fedex

P15 million na halaga ng shabu galing Malaysia nakumpiska ng Customs sa warehouse ng Fedex

Nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang mahigit P15 milyon halaga ng ilegal na droga na ipinasok sa bansa galing Malaysia.

Sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA IADITG) naharang ang kabuuang 2,300 grams ng shabu na P15.64 million ang kabuuang halaga.

Natuklasan ang mga ilegal na droga sa dalawang kargamento sa Fedex warehouse na idineklarang mga damit.

Nang isailalim sa 100% physical examination ay natuklasan ang mga ilegal na droga na nakatago sa mga damit.

Agad nai-turnover sa PDEA ang mga kontrabando para makapagsagawa ng case build up sa kasong of the Comprehensive Dangerous Drugs Act 2002 (Republic Act No. 9165) kaugnay sa Section 119 (Restricted Importation) at Section 1401 (Unlawful Importation) ng Republic Act No. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA). (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *