P125M inilaan para sa libreng COVID-19 vaccine sa mga taga-Caloocan

P125M inilaan para sa libreng COVID-19 vaccine sa mga taga-Caloocan

Tiniyak ni Mayor Oca Malapitan na makatatanggap ng libreng COVID-19 vaccine ang mga mamamayan ng Caloocan matapos maglaan ang Pamahalaang Lungsod ng initial na P125-milyong pondo para sa bakuna.

“This is to augment ang bakunang ilalaan sa ating lungsod ng Pamahalaang Nasyunal. Ito ay upang matiyak natin na kung kulangin ang ilalaan ng national government ay may nakahanda tayong pambili, upang matiyak na bawat mamamayan ng Caloocan ay mababakunahan nang sa gayon ay matiyak ang kaligtasan ng lahat,” pahayag ni Mayor Oca.

Ayon kay Mayor Oca Malapitan, bagamaN ang P125-milyong pondo ay nakahanda na, maglalaan pa rin ang Pamahalaang Lungsod ng P1-bilyon na dagdag na pondo para sa bakuna, na kukunin sa pamamagitan ng loan.

“Matagal na tayong nakipag-ugnayan sa pamamagitan ng pagsulat sa pharmaceutical companies para masiguro na makakakuha tayo ng bakuna tulad ng Pfizer at Astrazenica, subalit hihintayin pa rin natin kung anuman ang aprubadong bakuna mula sa Food and Drug Administration at ng national government,” paliwanag ng Punong-Lungsod.

Binigyan-diin din ni Mayor Oca na ang Pamahalaang Lungsod ng Caloocan ay hindi bibili ng hindi aprubadong bakuna ng FDA at hinihintay nito ang guidelines mula sa national government.

Matatandaan na Oktubre pa lamang ng taong 2020 ay tiniyak na ni Mayor Oca sa mga mamamayan ng Caloocan na naghahanda ang Pamahalaang Lungsod para masigurong makakakuha ng bakuna kontra COVID-19.

“Hindi ako mangingimi na ipambili ng COVID-19 vaccine ang lahat ng pondo ng Caloocan basta maibigay lamang ito ng libre sa ating mga mamamayan,” ayon kay Mayor Oca.

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *