Outbreak ng diarrhea naitala sa Caraga, Davao Oriental

Outbreak ng diarrhea naitala sa Caraga, Davao Oriental

Nakapagtala ng outbreak ng diarrhea sa Caraga, Davao Oriental.

Nag-deploy na ng team ang Provincial Health Office ng Davao Oriental sa munisipalidad ng Caraga para tumulong sa emergency response sa outbreak.

Batay sa ulat, umabot na sa 319 na katao ang naapektuhan ng outbreak, kung saan 313 dito ay pawang residente ng Barangay Santiago, Caraga.

Ayon kay Provincial Health Officer II Dr. Reden Bersaldo, nakapaglagay na ang Local Government ng Caraga ng mini hospital at Evacuation Ceter.

Mayroong 28 pasyente ang pansamantalang nasa Evacuation Center, habang ang mga pasyente na severely dehydrated na ay ginagamot sa Davao Oriental Provincial Hospital sa bayan ng Manay.

Sinabi ni Bersaldo na nagsimula na ding mag-imbestiga ang PHO at ang Regional Surveillance Unit, at ang samples ng rectal swabs ay ipadadala sa laboratoryo sa Davao City. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *