Ostrich na nananakbo sa subdivision sa QC dumanas ng matinding stress ayon sa PAWS

Ostrich na nananakbo sa subdivision sa QC dumanas ng matinding stress ayon sa PAWS

Bagaman nagdulot ng kasiyahan sa social media ang video ng nananakbong ostrich sa loob ng isang subdivision sa Quezon City ay nagpahayag ng pagkabahala dito ang Philippine Animal Welfare Society.

Ayon sa pahayag ng PAWS, nagdulot ang insidente ng matinding stress sa ostrich.

Ito aniya ang dahilan kaya hindi dapat nabibigyan ng permit ang pag-aalaga ng ostrich sa mga residential area.

Sinabi ng PAWS na kita sa video na “confused” at “terrified” ang ostrich.

Maari umanong masaktan ito at maari ding makapagdulot ng pinsala sa tao.

Ang mga residente na humuli sa ostrich ay maaring hindi alam na pwede silang masugatan sa kung nakalmot sila nito o kaya ay mabalian kung sila ay nasipa.

Kasabay nito kinondena ng PAWS ang pag-aalaga ng wildlife sa mga residential area.

Nanawagan ang PAWS sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na bawiin ang wildlife permits ng mga residenteng hindi ‘fit’ na makapag-alaga nito.

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *