Ordinansa pangontra sa pagkalat ng COVID-19, inaprubahan ng konseho; bawal na ang dumura kung saan-saan sa Caloocan

Ordinansa pangontra sa pagkalat ng COVID-19, inaprubahan ng konseho; bawal na ang dumura kung saan-saan sa Caloocan

Bawal nang dumura ngayon sa mga pampublikong lugar sa buong Caloocan City.

Ito’y matapos aprubahan ‘unanimously’ ang ordinansang ipinasa ni District 1 Councilor Orvince Howard A. Hernandez na naglalayong ipagbawal ang pagdura ‘kung saan-saan’ upang makabawas sa posibleng pagkalat ng COVID-19 cases sa lungsod.

Ang City Ordinance 11-111 ay may titulong: “AN ORDINANCE INTENSIFYING THE DRIVE AGAINST CARELESS, DELIBERATE AND/OR INDISCRIMINATE SPITTING IN PUBLIC PLACES IN THE CITY OF CALOOCAN IF ONLY TO REDUCE IF NOT COMPLETELY STOP THE TRANSMISSION OF COVID-19 DISEASE, PROVIDING PENALTIES FOR VIOLATION THEREOF AND FOR OTHER PURPOSES.”

Kabuuang 13 konsehal – tig-anim ang mula sa District 1 at 2 — at bumoto ring pabor ang national president ng barangay council.

“When we approved this ordinance, it was very clear in our minds that this would boost our effort to reduce, if not totally stop, the transmission of the coronavirus. I would like to express my gratitude to my fellow councilors who voted for this measure. Salamat din sa ating presiding officer na si Vice Mayor Maca Asistio III, at, siyempre, sa ating butihing punong lungsod na si Mayor Oca Malapitan,” ani Hernandez na siyang may-akda ng ordinansa.

Nakasaad sa Section 2 ng ordinansa ang: “No person shall carelessly, deliberately or indiscriminately spit saliva or expel phlegm, mucous, or other substances from the mouth or from the nose in public streets, alleys, sidewalks, parks, squares, malls, markets, halls, public motor vehicles, buildings, banks, terminals, shopping and business centers, schools, churches, hospitals, clinics, and other public places.”

Pagmumultahin ng P1,000 ang sinumang mahuling lalabag sa unang pagkakataon na isasailalim din sa ‘health seminar’ mula sa Health Department ng lungsod o pagkakakulong ng 10-araw sakaling hindi ito maipatupad. Sa ikalawang pagkakataon na hindi pagsunod sa pinagtibay na ordinansa ay pagbabayarin ng P5,000 multa, seminar sa health department of pagkakakulong ng isang buwan, base na rin sa ipag-uutos ng hukuman.

Batid ng konseho na nakasaad na sa anti-littering ordinance na pinagtibay noong taong 2018 ang pagbabawal sa pagdura sa mga pampublikong lugar, ngunit higit itong binigyang-diin ngayon sa Hernandez Ordinance, lalo’t nasa ilalim ang bansa sa pandemyang dulot ng COVID-19.

“Now, prohibiting spitting in public places is no longer dedicated only to preserving and promoting cleanliness in the surroundings, but a highly-needed health measure as well aimed at protecting our people from acquiring the COVID-19 disease and other highly communicable diseases like tuberculosis,” ani Hernandez na siya ring presidente ng SK Federation at chairman ng Caloocan Youth Development Council.

Wala namang makitang problema ang batang konsehal upang hindi ito sundin ng kanyang mga kababayan sa Caloocan. “Ako po ay naniniwala na disiplinado at responsible ang mamamayan ng Caloocan City. That’s why for me, compliance is not a problem.”

Binigyang-diin ni Hernandez na sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Malapitan, patuloy ang ibinibigay nilang serbisyo ngayong krisis likha ng corona virus.

“Nakita naman po natin na patuloy na nagbibigay ng tulong ang pamahalaang lungsod sa pamumuno ni Mayor Oca Malapitan at marami pa siyang mga programa na inihahanda para sa ating lahat,” dagdag pa nito.

Inaasahan namang lalagdaan ni Malapitan ang inaprubahang ordinansa sa mga susunod na araw. (END)

Follow us on Twitter: https://twitter.com/NewsFlashPH

Like us on Facebook: https://www.facebook.com/newsflashwebsite

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *