Ordinansa na magpapataw ng parusa sa mga fully-vaccinated na nagpapa-booster shots suportado ng PNP
Suportado ng Philippine National Police (PNP) ang hakbang ng mga lokal na pamahalaan upang maiwasan ang pag-avail ng booster shot ng COVID-19 vaccine ng mga fully-vaccinated na.
Paalala ni PNP chief, Police General Guillermo Lorenzo Eleazar sa publiko, huwag maging gahaman lalo at marami pa ang hindi nababakunahan.
Maliban sa limitadong suplay ng bakuna, sinabi ni Eleazar na wala pang rekomendasyon ang mga eksperto kung ligtas ba ang booster shots.
Nagkaisa ang mga alkalde sa Metro Manila na magpasa ng ordinansa na magpapataw ng parusa sa mga nagpapa-booster shots. (DDC)