Oras ng curfew dapat paiksiin dahil maraming commuters ang bumibiyahe na ng alas 4:00 pa lang ng umaga ayon sa LCSP

Oras ng curfew dapat paiksiin dahil maraming commuters ang bumibiyahe na ng alas 4:00 pa lang ng umaga ayon sa LCSP

Hiniling ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) na paiksiin ang oras ng umiiral na curfew sa Metro Manila.

Ayon kay Atty. Ariel Inton, presidente ng LCSP, marami sa mga pasahero ang maaga ang oras ng trabaho kaya kailangang maaga silang bumiyahe.

Sinabi ni Inton na mas mainam kung gagawing hanggang alas 4:00 lang ng umaga ang curfew sa halip na hanggang alas 5:00 ng umaga.

Magugunitang umiiral muli ang uniform curfew sa Metro Manila mula alas 10:00 ng gabi hanggang alas 5:00 ng umaga.

Ayon kay Inton, dahil sa limitado pa rin ang pampublikong transaportasyon maaga talagang umaalis ng bahay ang maraming trabahador dahil hirap silang makasakay.

“Kung mamarapatin po sana ng mga Mayor ng NCR na gawin hanggang 4 AM na lamang ang curfew para sa mga pasahero na maaga ang pasok sa trabaho,” apela ni Inton.

Ayon pa kay Inton, bagaman exempted sa curfew ang mga trabahador na makapagpapakita ng ID ay dagdag abala pa kung sila ay masisita ng mga pulis.

Ang ahalaga ani Inton ay hindi nagtatagal sa kalye ang mga commuter sa pag-aabang ng masasakyan.

Kapag kasi aniya nagkaipon-ipon na ang mga pasahero ay hindi na masusunod ang social distancing.

Iminungkahi naman ng LCSP sa publiko ang pagkakaroon ng carpooling.

Hindi na rin aniya dapat hinuhuli ng mga otoridad ang mga nagca-carpooling na ang mga sakay ay nag-aambagan sa gasolina.

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *