Orange rainfall warning nakataas sa maraming lalawigan sa Bicol
Patuloy na nakararanas ng malakas na buhos ng ulan ang maraming mga lalawigan sa Bicol Region.
Sa inilabas na heavy rainfall warning ng PAGASA alas 5:00 ng hapon, orange warning ang nakataas sa Albay, Camarines Sur, Sorsogon, Catanduanes, at sa Northern Samar.
Ayon sa PAGASA posible nang makaranas ng pagbaha sa mabababang lugar.
Mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan naman ang nararanasan sa Masbate, Camarines Norte, Oriental Mindoro, Marinduque, at Romblon. (END)