Orange rainfall warning itinaas ng PAGASA sa Agusan Del Sur

Orange rainfall warning itinaas ng PAGASA sa Agusan Del Sur

Nagtaas na ng heavy rainfall warning ang PAGASA sa lalawigan ng Agusan Del Sur.

Sa inilabas na abiso ng PAGASA alas 12:30 ng tanghali ngayong Lunes, January 11, nakararanas ng malakas at patuloy na pag-ulan sa lalawigan dahil sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ) at Tail-End of a Frontal System.

Sinabi ng PAGASA na maari nang makaranas ng pagbaha sa mabababang lugar at pagguho ng lupa sa bulubunduking lugar.

Yellow warning naman ang nakataas sa sumusunod na mga lugar:

– Surigao del Norte
– Surigao del Sur
– Dinagat Islands
– Agusan del Norte
– Davao Oriental

Habang nakararanas naman ng mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa sumusunod na mga lugar:

– Davao de Oro
– Davao City
– Davao del Norte
– Bukidnon
– Camiguin
– Misamis Oriental (Claveria, Gingoog City)
– MisamisOccidental
– Basilan
– Sulu
– Zamboanga del Norte (Katipunan, Pres. Manuel A. Roxas, Manukan, Jose Dalman, Sergio Osmena Sr.)
– Lanao del Norte (Maigo, Kolambugan)

Pinayuhan ang publiko na maging alerto sa lagay ng panahon at mag-antabay sa mga susunod na abiso ng weather bureau.

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *