Oral Arguments sa mga petisyon laban sa Anti-Terror Law ipinagpaliban ng Korte Suprema
Ipinagpaliban muna ng Korte Suprema ang nakatakdang oral arguments sa mga petisyon na kumukwestyon sa legalidad ng nti-Terrorism Act of 2020 o RA 11479.
Bukas, April 6 ay nakatakda sana ang pagsasagawa ng oral arguments.
Ayon sa abiso ng Korte Suprema, isasagawa na lamang muli ang oral arguments dalawang linggo makalipas na ma-lift na ang umiiral na enhanced community quarantine sa National Capital Region.
Magugunitang pinalawig ng SC ang physical closure sa mga korte sa mga lugar na sakop ng ECQ sa Metro Manila at ilang karatig na lalawigan.