Oral arguments sa isyu ng pagsasapubliko ng health records ni Pangulong Duterte ipinatatakda sa SC

Oral arguments sa isyu ng pagsasapubliko ng health records ni Pangulong Duterte ipinatatakda sa SC

Humihirit muli ang abogadong si Atty. Dino de Leon sa Korte Suprema na magtakda na ng oral arguments para sa kanyang petisyon na mailabas ang “health records” ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay kasunod ng pahayag ng presidente sa kanyang ulat sa bayan noong August 25, kung kailan nabanggit niya ang kanyang kalusugan.

Dito, sinabi ni Pangulong Duterte na malapit na umano sa stage one cancer ang kanyang iniindang Barrett’s esophagus, kaya pinayuhan siya ng doktor na tumigil na sa pag-inom ng alak.

Sa “Manifestation with Reiteration of Motion to Set Case for Oral Arguments”, sinabi ni de Leon na kinukumpirma umano ng naturang pahayag ng presidente ang estado ng kanyang kalusugan.

Ani de Leon, laman ito ng kanyang petisyon na maaalalang ibinasura ng Korte Suprema noong May 8, 2020.

Ayon sa abogado, bagama’t ayos sa kanya ang “honest declarations” ni Pres. Duterte hinggil sa kanyang kalusugan, ang naturang pahayag ay magdudulot lamang ng patuloy na espekulasyon at mga tsismis ukol sa tunay na estado ng kanyang kalusugan.

Punto ni de Leon, hindi maganda na pagdudahan ang kalusugan ng pangulo lalo kung ang usapin ay maaaring siya ay may cancer, dahil ang pagkakasakit ay hindi “laughing matter.”

Dagdag ni de Leon, may karapatan ang Sambayanan na malaman ang tunay na estado ng “physical and mental health” ng presidente.

Dahil dito, hinihiniling ni de Leon sa Korte Suprema na pagbigyan ang kanyang motion for reconsideration na may petsang July 24, 2020 at magtakda ng oral arguments sa petisyon, at matapos aniya ang proceedings ay maglabas na ng desisyon sa pamamagitan ng pag-iisyu ng writ of andamus.

Dito, sakaling pagbigyan ng Mataas na Hukuman, ay kailangang maglabas ang respondents na sina Pangulong Duterte at Executive Sec. Salvador Medialdea ng kopya ng latest medical at psychological/psychiatric examination results, health bulletins at iba pang health records mula nang maging pangulo si Duterte.

 

 

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *