Oral arguments bukas sa mga petisyon vs Anti-Terror Law ipinagpaliban ng Korte Suprema
Sinuspinde ng Korte Suprema ang ika-apat na oral arguments sa mga petisyon kontra Anti-Terror Law na dapat sana ay nakatakda bukas, February 23.
Sa abiso ng Office of the Clerk of Court, nakasaad na ilang mahistrado ng Supreme Court ang nakasailalim sa self-quarantine.
Ito ay bilang health precaution laban sa COVID-19.
Nakasaad din sa abiso na ang susunod na oral arguments ay itatakda na lamang sa March 2, 2021 alas 2:30 ng hapon.