Optional retirement ni SC Associate Justice Edgardo Delos Santos inaprubahan ng En Banc
Inaprubahan ng Supreme Court En Banc ang kahilingan optional retirement ni Associate Justice Edgardo Delos Santos.
Sa inilabas na notice ng SC En Banc, magiging epektibo ang pagreretiro ni Delos Santos sa June 30, 2021.
Ang hirit ni Delos Santos na makapagretiro ng maaga ay dahil sa kondisyon ng kaniyang kalusugan.
Inatasan ng En Banc ang Committee on Retirement ng SC na makipag-ugnayan na sa tanggapan ni Justice Delos Santos para sa idaraos na retirement ceremony.