Operasyon ng ilang regional office ng MARINA suspendido
Mula ngayong Martes, Setyembre a-29 ay pansamantalang isasara ang ilang regional office ng Maritime Industry Authority o MARINA dahil sa isyu ng kalusugan, kaligtasan at pag-iingat dulot ng COVID-19 pandemic.
Sa abiso ng MARINA, kabilang sa mga office na ito ay matatagpuan sa La Union (MRO 1 & 2); Iloilo (MRO 6) at ang extension office sa Bacolod.
Ang MARINA Regional Office – La Union, ay isasalang sa disinfection and sanitation bilang pag-iingat laban sa covid 19.
Habang ang MARINA Regional Office sa Iloilo at ang Bacolod Extension Office ay isasara naman dahil sa pagkakalantad o exposure ng mga kawani sa isang positibong kaso.
Kaugnay nito na humihingi ng paumanhin ang mga stakeholder dahil sa maaaring perhuwisyo na likhain ng pagkakatigil sa operasyon ng MARINA sa rehiyon.
Ngunit ipinunto ng MARINA na kailangang protektahan ang mga kawani at iba pang stakeholder na kinabibilangan ng mga seafarer.
Hindi pa sinasabi ng MARINA kung hanggang kailan suspendido ang suspension ng trabaho sa mga nabanggit na rehiyon. (END)