Online petition inilunsad para maprotektahan ang San Sebastian Church

Online petition inilunsad para maprotektahan ang San Sebastian Church

Naglunsad ng online petition na layong maprotektahan ang San Sebastian Basilica o mas kilala bilang San Sebastian Church, na isa sa mga pinakamatanda at makasaysayang simbahan sa Maynila.

Sa change.org ay makikita ang “Save San Sebastian campaign,” na layunaning tutulan ang pagtatayo ng “photobomber” sa likuran ng simbahan.

Nauna nang napaulat na may itatayong mataas na condominium sa likod ng San Sebastian Church.

Target na makalikom ng 400,000 pirma, kasabay ng ika-400 taong anibersaryo ng kauna-unahang San Sebastian Church.

Kabilang sa nakiisa sa online petition ang pamunuan ng Manila Catheral.

Ang online petition ay sinimulan ng isang miyembro ng San Sebastian community.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *