Olongapo City, Zambales niyanig ng M4.3 na lindol
Nakapagtala ng magnitude 4.3 na lindol ang Phivolcs sa lalawigan ng Zambales.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 13 kilometers northeast ng bayan ng Olongapo City, alas10:47 umaga ng Miyerkules (August 12).
May lalim na 9 kilometers at volcanic-tectonic ang origin ng pagyanig.
Wala namang naitalang intensities bunsod ng lindol.
Hindi rin ito inaasahang magdudulot ng pinsala sa ari-arian at aftershocks.