OFWs sa iba’t ibang panig ng mundo tinuturuang mag-ipon at mag-invest
Batid ng pamahalaan ang kahalagahan ng pagiging financial literate lalo na sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs).
Ito ay upang ang perang kanilang pinaghirapan, magamit nila ng tama at makapagtabi sila sa kanilang kinabuksan.
Hindi lingid na maraming OFWs na matapos ang ilang taong paghihirap sa ibayong dagat, pag-uwi ng Pilipinas ay walang kahit kaunting ipon.
Kaya naman ang mga embahada at konsulada ng Pilipinas sa iba’t ibang mga bansa. mayroon nang programa upang i-promote ang finacial literacy sa mga OFW.
Kamakailan, nagsagawa ng financial literacy program para sa mga OFW ang mga Foreign Service Posts ng Pilipinas sa Brunei, Hong Kong, Germany, U.S.A., Portugal at U.A.E.
Ganito rin ang ginawa sa Ankara ayon kay Philippine Ambassador to the Republic of Turkey Raul Hernandez.
Ani Hernandez, kamakailan nagdaos sila ng webinar tungkol sa pag-iipon at investments kasama ang Landbank, Overseas Filipino Bank at Bureau of Treasury.
Layunin nitong turuan ang mga OFW sa Turkey, Azerbaijan, Georgia at Cyprus ng pag-iipon at tamang pag-iinvest ng kanilang kinikitang salapi.