OFWs na nawalan ng trabaho at nagpapasaklolo sa gobyerno, mahigit kalahating milyon na ayon sa DOLE

OFWs na nawalan ng trabaho at nagpapasaklolo sa gobyerno, mahigit kalahating milyon na ayon sa DOLE

Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga manggagawang Filipino sa ibang bansa na nawawalan ng trabaho at humihingi ng saklolo sa pamahalaan dahil sa epekto ng pandaigdigang pandemic dulot ng corona virus disease o covid 19.

Ang pahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III ay batay sa data ng Philippine Overseas Labor Offices (POLOs) at Overseas Workers Welfare Administration
(OWWA) na 604,403 onsite and repatriated OFWs ang humihingi na ng cash aid at sa nabanggit na bilang, 272,000ang request na naaprubahan na.

Ayon sa kalihim, 349,977 sa mga humihingi ng tulong ay onsite workers o nawalan ng trabaho at naipit o stranded sa ibang bansa, habang ang 254,426 ay landbased and sea-based OFWs na nakauwi na sa bansa.

Kaunti na lamang ang pondong natitira para sa one-time $200 o P10,000 assistance sa ilalim ng Abot Kamay Ang Pagtulong program ng ahensiya dahil nailabas na ang P2.436 billion to 237,778 OFW beneficiaries mula sa itinakdang dalawa punto limang bilyong piso para sa AKAP program.

Gayunman, tiniyak ng kalihim na matutugunan ang mga kahilingan ng OFWs lalo na at naipalabas ang limang bilyong pisong karagdagang pondo na aprubado ng Pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *