Number coding suspendido pa rin ayon sa MMDA

Number coding suspendido pa rin ayon sa MMDA

Nanindigan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pasya nitong huwag munang pairalin ang Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding scheme.

Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, “manageable” pa naman kasi ang traffic kahit pa tumataaas na ang volume ng mga sasakyan sa EDSA.

Sa ngayon ayon kay Abalos ay hindi pa normal ang operasyon ng public transportation at nananatili ang pagpapatupad ng 50% passenger capacity limit.

Kung magpapatupad aniya agad ng number coding sa ngayon, maaring hindi kayaning ma-accommodate ng ppublic transport ang mga pasahero.

“If we implement the number coding scheme now, can our public transport accommodate passengers given the minimum health protocols such as social distancing needed to be implemented?,” ayon kay Abalos.

Nangangamba din ang MMDA na kapag ipinatupad muli ang number coding marami ang magsagawa ng carpooling at delikado ito sa kalusugan ng publiko.

Bago magkaroon ng pandemya, ang average ng mga sasakyan na dumadaan sa EDSA ay 405,000.

Habang sa ngayon, umaabot sa 399,000 ang average ng mga sasakyan sa EDSA.

Pero ayon kay Abalos ang southbound travel speed ay mas mabilis pa sa ngayon sa 27 kilometers per hour, kumpara sa 11 kilometers per hour bago ang pandemya. (Dona Dominguez-Cargullo)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *