Number Coding sa Metro Manila paiiralin muli simula bukas, Dec. 1
Simula bukas, December 1 ay epektibo na muli ang pag-iral ng number coding sa Metro Manila tuwing rush hour sa hapon hanggang gabi.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pag-iral ng number coding ay mula Lunes hanggang Biyernes, alas 5:00 ng hapon hanggang alas 8:00 ng gabi.
Pribadong mga sasakyan lamang ang sakop ng number coding.
Exempted sa number coding ang public utility vehicles, motorsiklo, garbage trucks, fuel trucks at motor vehicles na may lulan na perishable goods.
Sinabi ni MMDA chairman Benjamin Abalos na muling nagsikip ang daloy ng traffic sa northbound lane ng EDSA, kung saan umaabot sa 9.66 kilometers per hour lamang ang travel speed. (DDC)