Number coding paiiralin sa pagpapakabit ng RFID stickers sa Baguio City
Magpapairal ng number coding ang Baguio City Local Government para sa mga magpapakabit ng RFID stickers.
Sa December 7 (Lunes) hanggang sa December 11 (Biyernes) ay mayroong naka-schedule na Autosweep at Easytrip installation sa lungsod.
Ang schedule ng pagpapakabit ng stickers ay depende sa last digit ng plaka ng sasakyan.
Narito ang schedule:
𝗠𝗼𝗻𝗱𝗮𝘆
December 7 (8AM to 12PM) – 0
December 7 (1PM to 5PM) – 9
𝗧𝘂𝗲𝘀𝗱𝗮𝘆
December 8 (8AM to 12 PM) – 8
December 8 (1PM to 5PM) – 7
𝗪𝗲𝗱𝗻𝗲𝘀𝗱𝗮𝘆
December 9 (8AM to 12PM) – 6
December 9 (1PM to 5PM) – 5
𝗧𝗵𝘂𝗿𝘀𝗱𝗮𝘆
December 10 (8AM to 12PM) – 4
December 10(1PM to 5PM) – 3
𝗙𝗿𝗶𝗱𝗮𝘆
December 11 (8AM to 12PM) – 2
December 11 (1PM to 5PM) – 1
Sinabi ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong, araw-araw ay limitado sa 600 na sasakyan ang kakabitan ng Autosweep at 600 din para sa Easytrip.
500 dito ay ilalaan sa Class 1, 50 sa Class 2 at 50 sa Class 3.
Ang mga magpapakabit ay kailangang maghanda ng accomplished forms at mga dokumentong kailangan.
Gayundin ang exact amount para sa load na P500 para sa Class 1 at P1,000 para sa Class 2 at 3.
Naglabas din ng traffic advisory dahil ang proseso ay gagawin ng drive-thru.