NPA member patay, 1 pa sugatan sa engkwentro sa Surigao del Norte
Nasawi ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) makaraang maka-engkwentro ang mga sundalo sa Suriago Del Norte.
Tinatayang 30 miyembro ng NPA ang nakasagupa ng mga tauhan ng 4th Infantry Division sa Sitio Katikuyan, Barangay Camam-onan.
Pawang kasapi ng North Eastern Mindanao Regional Committee (NEMC) ang mga rebelde.
Isang babaeng NPA member din ang naaresto matapos itong masugatan sa engkwentro.
Na-recover naman ng mga sundalo ang dalawang AK-47 rifles at isang M16 rifle. (D. Cargullo)