NPA leader na si ‘Ka Oris’ nasawi sa operasyon ng millitar

NPA leader na si ‘Ka Oris’ nasawi sa operasyon ng millitar

Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagkasawi sa operasyon ng militar ng lider ng New People’s Army (NPA) na si Jorge Madlos alyas ‘Ka Oris’.

Ayon sa pahayag na inilabas ng AFP, nasawi si Ka Oris sa combat operation na isinagawa ng 403rd Birgade ng 4th Infantry Batallion ng Philippine Army.

Si Ka Oris ang commander at tagapagsalita ng national operations command ng NPA at tagapagsalita din ng National Democratic Front sa Mindanao.

Wanted si Ka Oris sa mga kasong murder, multiple murder with double frustrated murder, robbery with double homicide at damage to properties.

Nanawagan ang AFP sa nalalabi pang mga lider at miyembro ng komunistang grupo na sumuko na sa mga otoridad.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *