NPA leader, apat na tauhan nasawi sa engkwentro sa South Cotabato

NPA leader, apat na tauhan nasawi sa engkwentro sa South Cotabato

Patay ang isang mataas na lider ng New People’s Army kasama ang apat niyang mga tauhan sa engkwentro sa mga otoridad na nangyari sa Lake Sebu, South Cotabato.

Ayon kay Brig. Gen. Roy Galido, commander ng 601st Infantry Brigade ng Philippine Army, pinuntauhan ng mga otoridad ang hideout ni Jaime Hebron, regional ordnance officer ng NPA-Southern Mindanao Region sa Sitio Kibang, Barangay Ned para isilbi ang warrant of arrest pero pinaputukan sila ng mga suspek.

Nagkaroon ng palitan ng putok na tumagal ng 20-minuto na nagresulta sa pagkasawi ni Hebron at apat niyang tauhan.

Na-recover sa lugar ang isang M-16 rifle, Carbine rifle, .45 caliber pistol, 9mm caliber pistol, at mga sangkap sa paggawa ng Improvised Explosive Devices.

Si Hebron ay nahaharap sa patung-patong na kasong kriminal kabilang ang murder at extortion.

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *