Nonito Donaire itinanghal na WBC bantamweight champion matapos pabagsakin si Nordine Oubaali
Wagi via knock out ang Pinoy boxer na si Nonito Donaire sa laban nito kay Nordine Oubaali ng France na ginanap sa Carson, California.
Itinanghal ang 38 anyos na si Donaire bilang oldest WBC bantamweight champion sa kasaysayan ng boxing.
Ito naman ang unang pagkatao ng French-Moroccan na si Oubaali.
Tatlong beses pinabagsak ni Donaire ang kalaban at natapos ang match sa fourth round.