‘No visa, no entry policy’ sa mga dayuhang may asawang Pinoy ipinaalala ng BI
Ipinaalala ng Bureau of Immigraiton(BI) sa mga banyaga na nakapangasawa ng mga Filipino sa umiiral na pagbabawal kung sino ang pwede at hindi pwedeng pumasok sa bansa.
Iyan ay sa gitna ng implementasyon ng General Community Quarantine sa National Capital Region at iba pang karatig na lugar.
Binigyang diin ng BI na kahit na ang mga dayuhan na nakapangasawa ng mga Filipino ay hindi parin papayagang makapasok sa bansa kung walang kaukulang visa mula sa Kawanihan.
Ginawa ng Immigraiton ang naturang mga paalala kasunod narin ng nadiskubreng pagtatangka ng ilang mga foreigner na pumasok sa bansa ngayong may umiiral na community quarantine sa katwirang mayroon naman silang mga napangasawang Pilipino.
Sa report ng Port Operations Division ng Immigration, sinabi ni Commisisoner Jaime Morente na mayroon ilang dayuhan na nakapangasawa ng Filipno ang hinarang sa NAIA dhail sa kawalang ng kaukulang visa kaya agad din pinabalik sa pinanggalingan nilang bansa.
Ayon kay BI POD Acting Chief Grifton Medina, simula noong August 19 2020, hindi bababa sa 15 banyaga na nagpakilalang asawa ng mga Pinoy ang pinigil pagdating sa NAIA dahil sa kabiguang magpresenta ng visa.
Kabilang sa mga hinarang ay ilang Americans, Europeans, South Koreans, at Africans na nagpakita lamang ng kanilang marriage certificates subalit wala namang naipresentang visas.
Pinayuhan na ang naturang mga dayuhan na kumuha muna ng entry visa mula sa konsulado ng Pilipinas sa abroad para makapasok sa bansa at makasama ang kanilang pamilya. Ayon kay Medina, makailang ulit na silang naglabas ng abiso patungkol dito base narin sa resolusyon ng Inter-agency Task Force subalit marami parin ang hindi nakakaunawa.
Nagpaalala din ang Immigration sa mga Airline company na sumunod sa IATF resolution dahil responsiblidad ng mga ito na impormahan ang mga dayuhan nilang pasahero kung ano ang mga requirements bago makapag-book ng flight papasok ng Pilipinas.