“No vaccine, no work policy” hindi makatwiran – Rep. Taduran

“No vaccine, no work policy” hindi makatwiran – Rep. Taduran

Kinondena ni ACT-CIS Partylist Representative Rowena Niña Taduran ang isinusulong umano ng ilang kumpanya na “no vaccine, no work policy” kasunod ng pagsisimula ng pagbabakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay Taduran na siya ring Asst. House Majority Leader, walang dapat pilitin sa pagbabakuna para lamang makapagtrabaho.

Imposible rin aniya na mabakunahan ang lahat ng mga manggagawa dahil sa mga nasa priority list pa lang ay kulang pa ang dumarating na bakuna sa bansa.

“There is no basis for the ‘no vaccine, no work’ policy. The President himself said that nobody can be forced to be inoculated. Each person has the right to refuse to be vaccinated,” ayon kay Taduran.

Sa halip, inirekomenda ng mambabatas na panatilihin ng mga manggagawa ang ibayong pag-iingat sa pamamagitan ng pagsunod sa health protocols.

Mahalaga din aniyang palakasin ang immune system at mag-ingat sa paghawak-hawak sa mga nasa paligid.

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *