NGCP umapela ng tulong sa publiko para mahuli ang mga naninira ng tower

NGCP umapela ng tulong sa publiko para mahuli ang mga naninira ng tower

Humingi ng tulong sa publiko ang national Grid Corporation of the Philippines (NGCP) upang mahinto ang sadyang pagsira sa kanilang mga tower.

Ayon sa NGCP, ang sadyang paninira sa tore ng kuryente ay labag sa batas at may kaukulang multa at pagkakakulong ayon sa Republic Act 7832 o Anti-Pilferage Act.

Kasunod ito ng panibagong insidente ng pananabotahe sa tower ng NGCP Tangcal, Lanao del Norte kahapon (January 18) ng umaga.

Dahil sa nasabing insidente, maraming residente sa Zamboanga Peninsula, Misamis Occidental, at bahagi ng Lanao del Norte ang nawalan ng suplay ng kuryente.

Agad namang nakipag-ugnayan ang NGCP sa mga otoridad upang matukoy kung sino ang mga nasa likod ng pagsira ng tore.

Dahil dito umapela ang NGCP sa publiko, LGUs, at local community leaders na agad i-report ang mga kahina-hinalang aktibidad sa NGCP towets.

Maaring mag-text o tumawag sa TIP Hotline na 0917-TIPNGCP (8476427) o 0918-TIPNGCP (8476427). (D. Cagullo)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *