Netizens nabulabog sa balitang nanakaw ang iconic globe sa SM MOA; publicity lang pala para sa Netflix Film na ‘Red Notice’

Netizens nabulabog sa balitang nanakaw ang iconic globe sa SM MOA; publicity lang pala para sa Netflix Film na ‘Red Notice’

Nabulabog ang social media sa balitang ninakaw ang iconic na globe na sa SM Mall of Asia.

Nagkaroon pa ng mga spekulasyon na gumamit ng helicopter para nakawin ang MOA Globe.

Ito ay makaraang isang biker ang mag-upload ng video sa kaniyang Facebook na nagpapakita ng isang helicopter habang nasa ibabaw ito ng iconic globe.

Makikita rin ang globe na umangat ng bahagya at pagewang gewang hanggang sa maputol na ang video.

Matapos ang pagkalat ng balita ay naglabas ng pahayag ang SM Mall of Asia at sinabing nakikipag-ugnayan na sila sa mga otoridad para sa imbestigasyon sa nangyari sa MOA Globe.

Pero makalipas ang ilang oras, muling naglabas ng pahayag ang SM Mall of Asia at sinabing naibalik na ang globe.

Sinabi ng MOA na pansamantalang lalagyan ang globe area ng “Red Notice”.

Ang nasabing insidente pala ay publicity lamang ng MOA para sa Netflix Film na Red Notice. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *