NBI official, kaniyang kapatid kinasuhan dahil sa pangingikil sa mga personalidad na dawit sa “Pastillas Scam

NBI official, kaniyang kapatid kinasuhan dahil sa pangingikil sa mga personalidad na dawit sa “Pastillas Scam

Patung-patong na mga reklamo ang isinampa ng National Bureau of Investigation o NBI laban sa isang opisyal ng NBI at kapatid nito na naaresto dahil pangingikil sa ilang mga taong dawit sa “Pastillas Scam.”

Nagtungo sa Department of Justice o DOJ umaga ng Miyerkules ang mga kinatawan ng NBI-Special Action Unit para ihain ang mga reklamo laban sa respondents na sina Atty. Joshua Capiral at utol nitong si Chistopher.

Kapwa dumating sa DOJ ang magkapatid na naka-posas pa.

Si Atty. Capiral, na pinuno ng Legal Assistance Section ng NBI, at kapatid nitong si Christopher na isang immigration officer, ay nahuli sa isang entrapment operation noong Lunes ng gabi.

Naaktuhan ang magkapatid na tumatanggap ng malaking halaga ng pera mula sa kawani ng BI, na sangkot sa Pastillas Scam.

Bukod dito, may iba pa umanong biktima ang dalawa na kinikikilan para maabswelto sa Pastillas Scam.

Kabilang sa mga isinampa laban sa magkapatid na Capiral ay Robbery Extortion at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Gayundin ang paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards, at sa Executive Order 608 o ang Establishing a National Security Clearance System for Government Personnel with Access to Classified Matters.

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *