NBI magsasagawa ng ikalawang autopsy sa katawan ni Christine Dacera

NBI magsasagawa ng ikalawang autopsy sa katawan ni Christine Dacera

Isasailalim sa second autopsy ng National Bureau of Investigation (NBI) ang katawan ng flight attendant na si Christine Dacera.

Kinumpirma ito ni Justice Secreatry Menardo Guevarra batay sa pakikipag-usap niya kay NBI OIC Eric Distor.

Nilinaw naman ni Guevarra na hindi niya inatasan ang NBI na magsagawa ng hiwalay na imbestigasyon.

Aniya, ang kaniyang utos sa NBI forensic team ay umasiste sa PNP at Makati SOCO sa kaso.

Partikular aniyang tutulong ang NBI sa medico-legal aspect ng kaso ng pagkamatay ni Dacera. (D. Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *