National Museum bukas na muli sa publiko
Simula ngayong araw ng Martes, March 2 ay bukas na muli sa publiko ang National Museum.
Ito ay makalipas ang halos isang taon na pagsasara nito bunsod ng pandemya ng COVID-19.
Sa abiso ng National Museum, kabilang sa bukas na sa publiko ang National Museum of Fine Arts, National Museum of Anthropology at ang National Museum of Natural History.
Mananatili namang sarado ang Planetarium.
Mahigpit na ipatutupad ang COVID health protocols sa mga papasok na bisita.
Lilimitahan din sa 100 lamang kada sesyon ang papayagang pumasok sa loob ng bawat museum.
Ang tatlong museum ay bukas mula Martes hanggang Linggo maliban lamang kung holidays, mula alas 9:00 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali at mula ala 1:00 hanggang alas 4:00 ng hapon.