Nasawi sa pagsabog sa Jolo, Sulu umakyat na sa 15; mahigit 70 ang nasugatan
Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi at nasugatan sa magkasunod na pagsabog na naganap sa Jolo, Sulu araw ng Lunes (Aug. 24).
Umakyat na sa labinglima ang bilang ng mga nasawi sa magkasunod na pagsabog.
Sa datos mula sa Western Mindanao Command ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa nasabing bilang ng mga nasawi, 7 ang, 6 ang sibilyan, 1 ang pulis, at ang isa ay ang suicide bomber.
Umakyat naman na sa mahigit 70 ang nasugatan na kinabibilangan ng 48 sibilyan, 19 na sundalo at 9 na pulis.
Ayon sa AFP Western Midnanao Command, ang unang pagsabog ay naganap alas 11:55 ng umaga malapit sa Paradise Food Plaza sa Barangay Walled City sa Jolo.
Habang rumeresponde ang mga sundalo at pulis sa bomb site, isang suicide bomber ang nagpasabog malapit naman sa Development Bank of the Philippines ala 1:00 ng hapon.
Nagpatupad na ng lockdown sa buong Metro Jolo para sa kaligtasan ng mga residente.